Google Geron at Sophia                          
                                                                                   Back to Homepage                                                 
                                           Chapter   1

         MASAYANG pinapalipad ni Geron ang kanyang one-seater white airplane at nakasabit roon ang katagang ‘I Love You Sophia!!! Happy Anniversary!!!’.  Tanaw na niya ang kanilang bahay-bakasyunan Place your ads here Call or Text 09266162590 adidas JEFF FLOWER SHOP 09272000938 NALD'S STAMP MAKER 09229179172 JENCRIS VIDEOKE RENT 09328721686 greenwich #5-55-55
sa isang magandang isla, kaya binilisan pa niya ang pagpapalipad nito papunta roon.  Ilang sandali lang ay nakita niya mula sa himpapawid ang asawa niyang papalabas ng pintuan nila. Napangiti siya, subalit nagulat siya nang makita niyang sa likuran nito ay may isang lalaking lumapit sa asawa niya at hinalikan ito sa may labi. 
patuloy na nag-aalala sa kalagayan ng ama nito sa hospital.
       “Oo narinig ko Alfred, magaling na ang papa mo,” nakangiting sabi nito sa bata. Kaagad na hinatak ng bata si Christine sa kamay nito at inilagay nito ang kamay ni Christine sa ibabaw ng kamay ni Geron.
       Nagkatinginan ang dalawa ng mga ilang sandali. Kaagad namang binawi ni Christine ang kamay nito mula sa ibabaw ng mga palad ni Geron. Tinitigan ito nang mariin ni Geron. May kung anong naramdaman siya nang magkadikit ang mga palad nilang dalawa. Isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararamdaman kahit na kasama pa niya noon si Cristina.
     Makalipas ang ilang araw ay pinayagan na siyang lumabas ng kanyang mga duktor. Kunting theraphy lang sa isa niyang hita at maitutuwid na niya ito para  tuluyan na itong muling makapaglakad ng maayos.
      Nagtuloy kaagad sila sa kanilang Hacienda. At habang patuloy siyang nagpapagaling ay hindi pa rin niya  maiwasang muling manumbalik sa isipan niya ang nasaksihang kataksilan ng kanyang asawa. Pilit na bumabalik sa puso at isipan niya ang sakit at pait na dulot ng kataksilang iyon. Kahit anong gawin niya ay hindi ito mawaglit sa isipan niya. At sa matinding poot at galit na nararamdaman niya sa puso niya ay napagbalingan niya si Christine ang kakambal 
nito na kamukhang-kamukha nito. Bilang paghihiganti sa kataksilang ginawa sa kanya ng kanyang asawa ay binalak niyang paibigin si Christine at pagkatapos ay ipasakitan.
     Pumasok si Christine sa kwarto niya para ihatid sa kanya ang kanyang pagkain. Habang kumakain siya ay kinausap niya ito.
      “Magtatagal ka ba rito Christine?” tanong niya rito. “Kung maari sana ay manatili ka pa rito habang nagpapagaling ako. At saka hihilingin ko sana sa iyong pumalit na muna sa lugar ng asawa ko…”


      Napatitig kaagad ito sa kanya sa sinabi  niya rito. Lihim na napangiti siya sa naging reaksyon nito . “Ang ibig kong sabihin ay, habang hindi pa ako  tuluyang magaling ay ikaw 
na muna ang tumayong ina ng anak ko. Saka na lang natin ipagtapat sa kanya na wala na ang ina niya pag mas maayos na ang kalagayan ko.”
      “Sigi, saka wala pa rin naman akong balak na umalis eh. Gusto pa ring…. makasama ang pamangkin ko. Ngayon lang kami nagkikita alam mo naman iyon hindi ba…” wika nito sa kanya.


       Nanahimik siya sandali at pinagmasdan ito nang mabuti bago muling nagsalita. “Oo nga Christine, sa pagkakaalam ko’y malapit na malapit kayong dalawa ni Cristina. Bakit ni minsan ay hindi ka dumalaw sa amin. Ni hindi ka nga dumalo man lang sa kasal namin. Bakit ba ha?” tanong niya rito.
     Subalit hindi ito sumagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawang pagsubo nito sa kanya. Nagpasya si Geron na huwag ng ipagpatuloy ang pagtatanong at pag-uusisa niya tungkol dito. Napansin niyang ayaw itong pag-usapan ni Christine . Mariin niya itong pinagmamasdan habang patuloy siya sa pagkain sa loob ng kanyang kwarto. Nang magpaalam ito at tumalikod para lumabas ng kwarto niya ay tiningnan niya ito ng mariiin mula ulo hanggang paa
       Nalaman na rin ng anak niyang si Alfred ang katotohanang namayapa na ang ina nito. Nasaktan at nag-iiyak  ang bata at nagkulong sa kwarto. At sa tulong ni Christine ay muling nanumbalik ang saya ng bata. Hiniling ng 
bata kay Christine na manatili na lang sa kanilang bahay at siya na lang ang maging ina nito. Pinagbigyan na muna ni Christine ang kahilingan nitong manatili na muna sa kanila at tumayo bilang ina nito pansamantala. Napagpasyahan ni Cristina na ipapamahala na muna sa matalik nitong kaibigang si Margarita ang kanyang pag-aring boutique sa Maynila. Napansin ni Geron ang mabilis na pagkahulog ng loob ng anak niya dito. Nakikita niya kung gaano kasaya ang anak niyang kasama si Sophy. Subalit sa kabila nito ay hindi pa rin maiwasang makadama ng galit at poot ni Geron dito dahil patuloy na ipinapaalala ni Christine ang pagtataksil sa kanya ng kanyang asawang si Cristina.