Subalit hindi ito sumagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawang pagsubo nito sa kanya. Nagpasya si Geron na huwag ng ipagpatuloy ang pagtatanong at pag-uusisa niya tungkol dito. Napansin niyang ayaw itong pag-usapan ni Christine . Mariin niya itong pinagmamasdan habang patuloy siya sa pagkain sa loob ng kanyang kwarto. Nang magpaalam ito at tumalikod para lumabas ng kwarto niya ay tiningnan niya ito ng mariiin mula ulo hanggang paa
Nalaman na rin ng anak niyang si Alfred ang katotohanang namayapa na ang ina nito. Nasaktan at nag-iiyak ang bata at nagkulong sa kwarto. At sa tulong ni Christine ay muling nanumbalik ang saya ng bata. Hiniling ng