magagaling na doktor ng hospital na iyon. At ilang buwan na rin ang nakalipas ng tuluyan ng naayos at nabura ng mga plastic-surgeon ang peklat na tinamo ni Cristina sa likuran nito dulot ng pag-atake ng nagwawalang babaeng iyon. Nahuli na rin ito ng mga pulis at ikinulong sa isang piitan kung saan ay hindi na ito maaring makawala pa.
          Ipinikit ni Cristina ang mga mata nito at nag-alay ng panalangin sa namayapa nitong kakambal na si Christine. "Mahal kita Christine..." sambit ni Cristina. Sumulyap ito sa pinakamamahal nitong asawang si Geron. Hinawakan ni Geron ang kanang palad ni Cristina at magkasabay na muling