nito na kamukhang-kamukha nito. Bilang paghihiganti sa kataksilang ginawa sa kanya ng kanyang asawa ay binalak niyang paibigin si Christine at pagkatapos ay ipasakitan.
Pumasok si Christine sa kwarto niya para ihatid sa kanya ang kanyang pagkain. Habang kumakain siya ay kinausap niya ito.
“Magtatagal ka ba rito Christine?” tanong niya rito. “Kung maari sana ay manatili ka pa rito habang nagpapagaling ako. At saka hihilingin ko sana sa iyong pumalit na muna sa lugar ng asawa ko…”
Napatitig kaagad ito sa kanya sa sinabi niya rito. Lihim na napangiti siya sa naging reaksyon nito . “Ang ibig kong sabihin ay, habang hindi pa ako tuluyang magaling ay ikaw