patuloy na nag-aalala sa kalagayan ng ama nito sa hospital.
       “Oo narinig ko Alfred, magaling na ang papa mo,” nakangiting sabi nito sa bata. Kaagad na hinatak ng bata si Christine sa kamay nito at inilagay nito ang kamay ni Christine sa ibabaw ng kamay ni Geron.
       Nagkatinginan ang dalawa ng mga ilang sandali. Kaagad namang binawi ni Christine ang kamay nito mula sa ibabaw ng mga palad ni Geron. Tinitigan ito nang mariin ni Geron. May kung anong naramdaman siya nang magkadikit ang mga palad nilang dalawa. Isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararamdaman kahit na kasama pa niya noon si Cristina.