Chapter 15

        SUMAPIT ang unang araw ng anibersaryo ng kasal nina Geron at Cristina. Matapos ang isang masayang almusal sa piling ng isa't-isa ay nagpaalam si Geron kay Cristina para sa isang bagay na kailangan niyang gawin. Pumayag naman kaagad si Cristina sa pangako niyang kaagad na magbabalik para muli silang magkasama para sa kanilang unang anibersaryo na pinili nilang idaaos sa napakagandang islang iyon. Pagkatapos ay nagmadali kaagad si Geron na lumabas. Naiwan si Cristina sa loob ng bahay. Muli nitong sinuyod ng