nasasaktan para sa kaligayahan ng dalawang taong tunay nitong minamahal. 
      "Naging maligaya ka sa piling ni Christine, naging maging maligaya kayo sa piling ng isa't isa... ako ang naiwang mag-isa, ako ang naiwang nag-iisang nasasaktan at lumuluha Geron...." usal ni Cristina sa mga bisig niya.
       Muling yinakap ni Geron si Cristina at humingi ng tawad at nakaramdam siya ng galit rito ng malaman nito ang katotohanan dahil inakala niyang ipinamigay siya ni Cristina sa kakambal nito. Sinabi rin niyang kakalimutan na niya ang mapapait na mga nagyari noon at ang mahalaga na lang para sa kanya ay ang magkapiling na silang dalawa, ng tunay niyang minamahal, ang tunay na Cristina.