mga pinagdaanan sa buhay. Ipinagtapat ni Cristina kay Geron ang totoong nangyari noon. Ipinagtapat nitong hindi naman talaga pinagtaksilan si Geron ng kakambal nitong Christine. Ikinuwento nito ang ginawang pananakot sa tunay na Christine ng dati nitong kasintahang si Gilbert na ibubulgar kay Geron ang katotohanang hindi ito ang tunay na Cristina kaya napilitan itong makipagkita rito tuwing tinatawag ito ng lalaking iyon. Ipinagtapat rin ni Cristina na matapos nitong malaman na ikinasal na siya sa kakambal nito ay pinuntahan nito silang dalawa. Ipinagtapat nito kay Geron na nagpasya siyang huwag ng magpakita pa sa kanya dahil nakita nito kung gaano kaligaya si Christine sa piling niya at maging siya sa piling nito. Nagpasya itong magsakripisyo kahit na labis na