ni Geron padapa sa kanya. Nang nasa ibabaw na ni Geron sa malaking kamang iyon si Cristina ay niyakap niya ito hinalik-halikan sa pisngi at sa mga labi nito. Ilang sandali pa ay umisod na si Cristina at tumabi na sa paghiga sa kama kay Geron. Parehong may mga ngiting magkayakap sa pagkakahiga ang dalawa. Matapos nilang makaidlip at makapagpahinga ay inumpisahan nila ang paunang selebrasyon ng kanilang anibersaryo sa susunod na araw. Sa isang candle light dinner ay masayang kumain, uminom at nag-usap ang dalawa. Matapos nilang kumain ay lumabas silang dalawa ng resthouse at magkayakap na umupo sa isang duyan na nakasabit sa dalawang puno at malapit sa baybaying-dagat muling sinariwa ng dalawa ang kanilang