Chapter 6
NAKATULOG na si Alfred. Ginawaran niya ng magaang na halik sa nuo ang bata at dahan-dahang umisod pababa ng kama. Tumayo siya sa gilid ng magarang kama sa loob ng kwarto ni Alfred at unti-unting naglakad papunta sa may pintuan. Bago niya iangat ang kamay para pihitin ang seradura ay nilingon niyang muli ang mahimbing na mahimbing na natutulog na batang si Alfred. Napangiti siya at pagkatapos ay tuluyan ng hinawakan ang seradura at sinimulang pihitin iyon. Kinakabahan siya sa kung ano ang