makikita niya paglabas niya ng pintuang iyon. Magkahalong kaba at kilig ang nararamdaman niya. Hindi siya sigurado kung makakaya niyang salubungin ang mga titig ni Geron na sasalubong sa kanya paglabas niya ng pintuan. Huminga siya ng malalim at tuluyan ng pinihit ang seradura ng pintuan. Hinatak niya ang pintuan para mabuksan na ito ng tuluyan. Bumungad sa kanya ang makisig na makisig at guapong-guapong si Geron... natutulog na nakaupo sa pang-isahang sofa sa harap ng pintuan ng kwarto ni Alfred. Napangiti si Cristina at inisip na nagkukunwari lang si Geron na natutulog. Napangiti pa siya lalo ng mapansing ang malaking