pang-isahang sofang kinatutulugan nito ay ang upuang malapit sa sulok pagkalampas na pagkalampas ng malaking hagdanan. Natawa siya at napailing, inalsa at binuhat iyon ni Geron at inilapag sa harapan ng pintuan ng anak para iparamdam sa kanya na nag-aabang ito at nanabik sa kanyang paglabas. Muli siyang huminga ng malalim. Pinagmasdan niyang muli ang nakapikit ang mga matang lalaking kanyang pinakamamahal. Dahan-dahan siyang lumapit sa nakapikit ang mga mata at nakaupong si Geron. Lumakad pa siya ng mga ilang hakbang hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa harapan nito. Inaasahan niyang ano mang sandali ay ididilat na nito ang mga mata at ngingitian siya. Subalit ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ito dumidilat. Kumunot ang noo ng magandang dalaga.