Nahalinhan ng pagkayamot ang kanina'y kinikilig at nakangiting mukha niya. Naghintay pa siya ng ilang sandali subalit hindi pa rin dumidilat ang makisig at poging si Geron. Tuluyan ng nagtampo at nayamot si Cristina. Tinalikuran niya ito at mabilis na umakmang hahakbang palayo rito. Naramdaman niya kaagad ang malakas na kamay ni Geron sa kamay niya. Hinatak siya nito pabalik paharap rito. Nakatitig at nakangiti ito sa kanya. 
        "Ang akala mo ba'y matapos ng naramdaman ko kanina sa iyo sa gitna ng sala sa baba ay tutulugan lang kita," sambit nito na nakangiti at nakatingala mula sa pang-isahang sofang kinauupuan nito. "Hindi tayo matutulog ngayong gabi Christine..." Naramdaman na lang ni Cristina ang pagbagsak niya sa kandungan nito. Hinatak siya paupo ni Geron. Sa