Subalit ang hindi alam ni Geron ang babaeng balak niyang paghigantihan at pagbayarin sa napakalaking pagkakasala sa kanya ng kanyang asawa ay ang babaeng tunay niyang minamahal at matagal na ring nagmamahal sa kanya na si Cristina, ang tunay na Cristina na muling nagbabalik sa buhay niya at nagpapanggap na si Christine.
Unang nagkakilala si Geron ang tunay na Cristina sa isang painting exhibit. Nakalabas na ang ilan sa mga dumayo para pagmasdan at hangaan ang mga obra maestra ng isang sikat na pintor. Nakatalikod si Cristina at pinagmamasdan ang isang obra, nang una niya itong makita. Hindi niya maipaliwanag sa sarili pero hindi niya napigilan ang sarili