niyang lapitan ito at kilalanin. Parang may kung anong humahatak sa kanyang lapitan ito gayong hindi pa naman niya nakikita ang mukha nito. Tumayo siya sa likuran ng babae at nang maramdaman siya nito ay tumalikod ito. Muntikan silang magkabangga, halos magkadikit ang mga katawan nila pareho.  May ilang saglit na nagkatitigan silang dalawa. Nakuyoko siyang pinagmamasdan ito at nakatingala naman ito sa kanya. Namalayan na lang niyang naglapat ang mga kanilang mga labi. Yinakap pa niya ito nang mahigpit sa mga bisig niya.
        Simula sa araw na iyon ay palagi na silang nagkikitang dalawa. Sa bawat araw na pagkikita nila ay lalo pang