lumalalim ang pagtingin niya dito at maging ito sa kanya. At makalipas ang ilang araw ay nagpasya na siyang magtapat ng pag-ibig dito. Tinanggap naman kaagad ni Cristina ang pag-ibig niya at pagkatapos ng limang buwan ay nagdesisyon na si Geron na yayain na itong magpakasal. Subalit sa araw na hihingin na niya ang kamay nito ay nagkaroon naman ng isang biglaang conference si Cristina sa araw na iyon.
        Ang nadatnan ni Geron sa bahay na iyon ay ang totoong Christine. At dahil sa pag-aakalang ito ay si Cristina ay kaagad itong yinayang magpakasal ni Geron. Unang kita pa lang ni Christine kay Geron ay nakadama na kaagad ito ng matinding paghanga sa kakisigan at kagandahang lalaki nito.