Nagkunwari itong si Cristina at kaagad na tinagggap ang inaalok na kasal nito.
At para tuluyan nitong mailayo si Geron sa kakambal ay niyaya siya nitong sumama dito at magpunta sa Maynila. At makalipas lang ang dalawang linggo ay naikasal silang dalawa sa isang huwes doon. Huli na ng malaman ito ni Cristina at nagpasya itong huwag nang magpakita pa kay Geron, dahil kasal na ito at wala nang saysay kung makikipagkita pa ito sa kanya. At mahal din nito ang kapatid kaya nagpasya na itong lumayo at magparaya alang-alang sa kaligayahan ng kapatid . Nabanggit na noon ng tunay na Cristina kay Geron na mayroon siyang kakambal kaya nagtaka siya ng hindi man lang ito dumalo sa kasal nila gayong inimbitahan naman nila itong dalawa ng nagpapanggap na si Cristina.