At nang malampasan na nilang dalawa ang hagdanan at lumingon ito ay napatunayan nitong tama ang iniisip nito. Nakangisi nga si Geron at pinagmamasdan ito. Nag-alala pa ito ng makitang mabilis na sumunod siya sa pag-akyat sa hagdanan. Naglakad si Cristina kasama ng bata papunta sa kwarto nito. Pagkarating nila sa loob ay kaagad nitong isinara ang pintuan subalit bago pa man nito nagawa iyon ay naramdaman nitong may tumulak  sa pintuan mula sa labas. Si Geron iyon na sumunod sa kanilang dalawa. 
           Nakita ni Alfred ang ama nito kaya kinausap siya nito. "Sasamahan mo rin ba akong matulog papa ha?" tanong nito sa ama.
           Ngumiti lang si Geron sa anak niya ng tuluyan na itong makapasok sa loob ng kwarto ng bata. "Hindi, mag-go-good