sinulyapan si Christine sa tabi niya.
"Talaga tita, andito ang kasintahan mo ha?" tanong nito rito.
"Hindi, wala akong kasintahan Alfred," sagot nito. "Wala rin akong balak makipagkita sa kahit na sino sa labas."
"Alam ko," sagot ni Geron kay Cristina kahit hindi naman siya ang kinakausap nito.
Inarapan ni Cristina si Geron at pagkatapos ay muling kinausap ang bata. "Gusto mo ba talagang matulog sa tabi ko ha Alfred?" tanong nito sa bata.
"Opo, tita," pagkatapos ay hinatak nito ang kamay ni Cristina at isinama paakyat sa hagdanan. Sumunod naman si Cristina hindi ito lumingon habang umaakyat sa hagdanan dahil batid nito na nakangising pinagmamasdan ito ni Geron.