ang sarili sa paghalik dito. Naramdaman din ni Geron ang pagyakap ni Cristina sa kanya. Matagal sila sa ganoong ayos, nakatayong naghahalikan at nagyayakap sa gitna ng eleganteng sala ni Geron. Nakarinig ng mga pababang mga yabag si Geron kaya napilitan siyang itigil ang ginagawang pagyakap at paghalik kay Cristina. Si Alfred iyon na kaagad na lumapit sa kanilang dalawa.
"Tita pwede mo ba akong samahan sa kwarto kong matulog ha?" tanong nito sa tita nito.
"Ikaw talaga Alfred, magpapasama kang matulog kay Christine, tingnan mo nga mukhang may lakad si Tita Christine mo. Mukhang may lakad kasama ng lalaking napupusuan niya," sabi niya sa anak na pagkatapos ay muling