Christine?" tanong niya na muling ibinalik ang tingin sa mga labi nito.
Kinabahan si Cristina batid nito ang ibig sabihin ni Geron. Batid nitong gusto itong halikan ni Geron kanina bago pa dumating ang galit na galit na si Gimena.
Nagpasya na si Cristina. "Saan nga ba?" tanong nito sa kanya at sa tanong nitong iyon ay kaagad na bumaba ang mga labi ni Geron sa mga labi nito. Hinalikan ni Geron ng marubdob si Cristina, ang inakala niyang si Christine. Gumanti rin ng halik si Cristina sa lalaking matagal na niyang pinapangarap na muling makasama. Naramdaman ni Geron ang maiinit na mga halik ni Cristina kaya niyakap na niya ito at idiniin ng husto sa sariling katawan niya. Matagal na hinalikan ni Geron ang mga labi ni Cristina. Pinagsawa niya