mapauwi si Gimena. Subalit natagalan si Geron nang bahagya kaya napaisip ito. Nakaramdam ito ng kunting pag-aalala na baka naakit nang muli ni Gimena ang lalaking gusto nitong muling mapa-ibig. Nakatayo ito sa gitna ng sala at nakatalikod sa pintuan ng muling pumasok ng bahay si Geron. Naramdaman nito ang paglapit niya rito. Naramdaman din nito ang pagtigil nito sa likuran nito. 
        "Hinihintay mo ba ang pagbabalik ko ha Christine?" tanong niya rito.
         "Hinihintay din," sagot lang nito na nakatalikod pa rin sa kanya.
         "Hinihintay lang din, talaga," sabi nito na hinawakan ito sa siko at pinaharap sa kanya. Sumulyap ito paitaas sa kisami at nagkunwaring nag-iisip. "Saan na nga ba tayo kanina ha