naging maagap si Geron at kaagad niya itong pinigilan na magawa iyon. Nagpumilit pa rin si Gimena na masampal si Cristina kaya napilitan na si Geron na pwersahing hilahin ito papalayo sa inaakala niyang si Christine. "Ano ka ba Gimena, wala namang ginagawang masama sa iyo si Christine. Umayos ka nga kung ayaw mong ako naman ang tuluyang magalit sa iyo!" awat at bulyaw niya rito. Kaya napilitang kalmahin ni Gimena ang sarili na nakalingon pa rin kay Cristina. Sumama na lang ito kay Geron pababa sa hagdanan. At parang walang nangyaring sumunod si Cristina at bumaba rin ng hagdanan. Pagkababa nito ay nakita pa nito ang paglabas na pareho ni Geron at ni Gimena ng malaking pintuan. Naghintay si Cristina sa muling pagpasok ni Geron sa bahay niya matapos muling mapasakay sa sasakyan at