ang pag-ibig nito para kay Geron. Nagparaya na ito sa kakambal nito at hindi nito gagawin iyon para sa babaeng kaharap nito. Kaya tiningnan ni Cristina si Gimena ng derecho. "Sa pagkakaalam ko pamamahay ito ni Geron at hindi sa iyo, kaya sana umasta ka kung ano ka lang rin dito. Umiibig ka lang kay Geron, hindi asawa, Gimena. Binaggit ni Cristina ang pangalan nito dahil naalala na nitong nabanggit na rin ito ng kakambal nito ng magkita sila. At nasabi ng totoong Christine na sa tuwing magkakasalubong sila ni Gimena ay inaaway ito nito. Kaya bilang ganti na rin para sa namayapa nitong kapatid ay tinatapatan nito ang katarayan nito. 
        Mabilis na iniangat ni Gimena ang kanyang mga palad para sampalin ang inaakala rin nitong si Christine subalit