ni Geron. Batid niyang ayaw nitong manatili ng matagal sa pamamahay niya ang inaakala niyang si Christine. Kaya ng magtanong si Gimena'y sinabi niyang hindi ito magtatagal sa kanila at kaagad na uuwi sa syudad na pinagtratrabahuhan nito matapos ang mga ilang araw mula sa libing ng kanyang asawa. Kaya laking gulat ni Gimena ng makita pa nito ang kakambal ng kinamumuhian nitong babae sa bahay ni Geron.         "Andito ka pa rin," umpisa ni Gimena. "Wala ka na bang balak na umalis dito. Hindi ka ba nahihiyang tumira rito. Pinagtaksilan ng kakambal mo si Geron, ang pinakamamahal kong si Geron."
         Kinalma kaagad ni Cristina ang sarili nito at hinarap din ito. At kagaya ng nagpagpasyahan nito ay ipaglalaban rin nito