"Geron!" tawag ng babae sa kanya pero nakatitig kay Cristina. 
         "Gimena, akala ko ba'y uuwi ka na sa inyo, nakaalis na kayo kanina ng driver mo," pahayag ni Geron na bumitaw na sa mga palad ni Cristina. Sana'y na si Geron kay Gimena batid niyang nakita nito ang balak sana niyang paghalik sa inaakala niyang si Christine. Batid niyang aawayin nito ang kakambal ng asawa niya. Kaya sinalubong na niya kaagad ito at inawat sa mga titig niya. Subalit hindi ito nagpapigil at linampasan siya at kaagad na lumapit kay Cristina. 
          "Good evening," bati rito ni Cristina.
          Tinitigan lang ni Gimena si Cristina pagkatapos ay kaagad na kinausap ito. Batid na ni Gimena na ang kakambal ng asawa ni Geron ang kaharap nito. Nasabi na rin iyon dito