"At gustong-gusto mo naman na niyayakap ka niya," sagot naman nito.
         Tumawa nang marahan si Geron sa nasasalamin nitong paninibugho ni Cristina na inaakala niyang si Christine. Tumigil ito sandali. "Pwede... pero mas gusto kong hinahawakan ang kamay mo tulad ngayon," makahulugang pahayag niya na nakatingin ng mariin sa mga mga mata nito.
Hinigpitan pa ni Geron ang pagkakahawak sa dalawang mga palad nito, hinatak pa niya ito papalapit sa kanya halos magkadikit na ang dalawa nilang mga katawan. Nakayuko si Geron at nakatingala naman si Cristina. Umakmang hahalik si Geron kay Cristina subalit biglang may narinig silang boses ng isang babae.