"Oo nakita ko kayo Geron," madiin nitong sagot na nakatingin sa mukha niya malapit sa kinatatayuan ni Geron.
Napangiti si Geron, sa himig ng pananalita nito ay nabatid niyang nakita nito ang ginawa ni Gimena. Nahalata niyang naghihinanakit at... nagseselos ito. Muli niyang pinagmasdan ang mukha nito malapit sa kanya pagkuwa'y inabot ang dalawang kamay nito at hinawakan. Nakangiting nagbuga siya ng hangin habang patuloy na nakatitig sa mukha nito at pilit na binabasa ang iniisip nito tungkol sa kanilang dalawa ni Gimena.
"Wala iyong nakita mo, ganoon talaga iyon," pahayag niya rito. "Ganoon talaga iyon gustong-gusto noon na niyayakap ako noon pa."