papalapit rito. Nginitian ni Geron si Cristina. Mula sa kinatatayuan niya ay hinagod niya ng tingin si Cristina lalo pa itong gumanda sa suot nitong green na damit. Napahugot siya ng hininga sa paghanga niya sa kagandahan ni Cristina. Nilapitan niya kaagad ito. "Hi Christine," bati niya rito na nakatitig sa buong mukha nito.
        "Hi Geron," bati rin nito sa kanya. "Ang kasama mo?"
         Panandaliang napakunot ang noo ni Geron sa tanong nito. "Ah oo, si Gimena iyon, dati kong kasintahan bago ko pa man makilala ang kakambal mo. Kaalis nga lang eh, nakita mo pala kami kung ganoon," pahayag nito at napaisip kung nakita rin ng inaakala niyang si Christine ang ginawang pagyakap at pagpulupot sa beywang niya ni Gimena.