pagkikitang iyon nalaman ng asawa ni Gilbert na si Maricar kung sino ang kinalolokohang babae ng asawa nito. At nang masundan nito ang asawa na sumunod kay Christine sa bahay-bakasyunan nila ni Geron ay pinagtangkaan nito ang buhay ni Christine. Parehong napatay nito ang totoong Christine at si Gilbert.
Lumabas ng banyo si Cristina at kaagad na nagbihis. Sinuklay nito ang maiksi nitong buhok at pagkatapos ay dahan-dahan nang bumaba para muling makita si Geron. Ipinapanalangin nitong naroon ito sa ibaba at hindi sumama sa labas ng nakita nitong babaeng nakapulupot sa beywang nito. Pagkalabas ng pintuan ay marahan nitong ipininid ang pinto at pagtalikod nito ay kaagad nitong nakita si Geron na