Cristina ng labis subalit dahil sa pagmamahal nito sa kapatid ay tinanggap na nito ang katotohanan. Sa mga huling araw ng totoong Christine sa mundo ay nagkita silang dalawa at muling nagkasundo. Pinatawad ni Cristina ang kapatid at sinabing mahal na mahal pa rin nito ang kakambal sa kabila ng lahat. At sa pagkikita ring nilang iyon nabatid ng tunay na Cristina na may dinadalang mabigat na suliranin ang kakambal nito. Hindi totoong pinagtataksilan ng totoong Christine si Geron dahil sa tunay siya nitong minamahal. Tinatakot si Christine ng dati nitong kasintahang si Gilbert na ibulgar kay Geron ang katotohanang hindi ang totoong Cristina ang pinakasalan niya. At dahil sa pananakot ni Gilbert sa totoong Christine ay napilitan itong muling makipagkita rito kapag tinatawagan ito nito. At sa mga