bridge. Mapupula at malambot ang katam-tamang laki ang mga labi nito. Isa siyang maganda, maputi at kaakit-akit na mestiza. Katamtaman ang tangkad ni Cristana at napakaganda ng hubog ng katawan. Magkaparehong-magkapareho silang dalawa ni Christine maski ang mga magulang nila ng nabubuhay pa ang mga ito ay paminsan-minsan pa ring pinagkakamalian ang isa sa isa. Magkasundong-magkasundo ang dalawang magkakambal mula pa noong mga bata sila. Mabibilang lang sa daliri nila ang mga pagkakataong nag-aaway sila magkaganoon pa man ay kaagad din silang muling nagkakasundo. Kaya inunawang lubos ni Cristina ang ginawa ng kapatid nito. Batid nitong dahil sa malabis na pagkahumaling nito at pagmamahal kay Geron kaya nagawa nitong agawin siya rito. Nasaktan si