may iba ng magandang babaeng nakapulupot sa katawan niya. Nang maramdaman nitong nakalampas na sa pintuan ng tinutuluyang kwarto nito ay kaagad itong naupo sa gilid ng kama nito. Iniisip ang nakita nitong eksena sa labas ng kwarto nito. Subalit kaagad nitong tinatagan ang sarili. Nawala ka na sa akin noon at hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin ngayon, pagpapasya ni Cristina. Nagpahinga ito ng mga ilang sandali sa kama at pagkatapos ay nagtungo sa banyo upang mag-shower. Matapos nitong makapagbanlaw ay pinatuyo nito ang sarili sa harap ng salamin at pinagmasdan ang kabuuan nito. Maitim at makintab ang maiksing buhok nito. Mapupungay ang mga matang may mahahabang mga pilik-mata. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na malambot pagmasdan ang nose