panahon ay muli nitong nakasama ang lalaking minamahal nito. Tumunghay ito sa nakasara nitong pintuan at nagbakasakaling baka muling dumaan sa tapat nito si Geron matapos maihatid ang anak sa kwarto nito. Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng mga yabag. At ilang sandali lang rin ay nakarinig siya ng boses ng isang babae na sinambit ang pangalan ni Geron. Natigilan si Cristina sa narinig na boses ng babae kaya kaagad na tumayo ito at lumapit sa pintuan. Dahan-dahan nitong inikot ang seradura at nakita ang isang babaeng nakapulupot ang mga braso sa beywang ni Geron habang naglalakad papalapit sa pintuan nito. Kaagad na isinara ni Cristina ang pintuan ng kwarto nito. Nagseselos ito. Kanina lang ay hawak-hawak ni Geron ang mga palad nito na tila nagpapahiwatig ng pagkakagusto rito tapos ngayon ay