sagot naman nito sa bata.
             "Oo Alfred, hindi natatakot ang tita mo sa kabayo. Kaya isa sa mga araw na ito ay isasama natin siyang mangabayong dalawa," sabi niya sa anak niyang si Alfred.
              "Naku ang saya siguro noon ano Tita Christine," sambit nito. 
               Nang matapos nang kumain ni Alfred ay pinunasan ni Geron ang mga labi nito ng kanyang panyo at inihatid sa kwarto nito kaya nagpasya na ring magpahinga ni Cristina na nagkukunwaring si Christine. Kaagad itong humiga sa kama nito. May ngiti sa mga labing ipinikit nito ang mga mata at muling binalikan ang mga sandaling hawak-hawak ang mga palad nito ni Geron sa itaas ng burol. Napupuno ng kaligayahan ang puso nito na matapos ang mahabang