niyong niyugan at pagkatapos ay isinama niya ako sa itaas ng magandang burol. Napakaganda pala ng tanawin mula roon sa itaas," pahayag nito sa bata.
"Ha, oo Tita Christine talagang maganda roon. Maraming beses na rin akong nakapunta roon kasama ni papa. Kaming dalawa lang ayaw kasi ni mama," pagtatapat nito sa tita nito.
"Nasabi ko na iyan sa tita mo kanina Alfred," sabat ni Geron. "Magkamukha ang mama at tita mo pero may pagkakaiba rin sa ibang bagay."
"Talaga, eh sa kabayo hindi ka ba natatakot ha Tita Christine, natatakot kasi ang mama sa mga iyon?" tanong nito rito.
"Hindi naman, natutuwa nga ako sa mga kabayo eh,"