ng mayordoma ang paghawak na iyon ni Geron kay Cristina dahil nauuna itong maglakad sa harapan nila maging si Alfred ay hind rin napansin iyon dahil nakatingin ito sa mukha ng minamahal nitong ama. Pagkarating nila sa may hapag-kainan ay ibinaba na ni Geron ang anak at pinaupo sa gitna nila ni Cristina na inaakala niyang si Christine. Masayang nagsimula kaagad na kumain si Alfred. Paminsan-minsan ay sumusulyap ito at ngumingiti kina Geron at Cristina. Kumain na rin sina Geron at Cristina. 
         "Saan ba kayo nagpunta na dalawa ni papa ha Tita Christine?" nakatingin kay Cristina na tanong nito.
         Nginitian ni Geron si Cristina at hinintay ang isasagot nito sa anak. 
         "Kwan Alfred, ipinasyal ako ng papa mo sa malawak