Chapter 5

      BAGO magtanghalian ay nakabalik na sa malaking bahay sina Geron at Cristina. Sinalubong kaagad silang dalawa ni Alfred na kanina pa naghihintay sa kanilang dalawa. Lumapit kaagad ito sa kanya at kinarga. Hinalikan niya ito sa noo at inayos ang itim at malambot na buhok nito. Nakangiting pinagmamasdan ni Cristina ang mag-ama. Lumabas naman kaagad ang mayordoma at sinabing handa na ang kanilang pananghalian. Kaya karga-karga ang anak at hawak-hawak naman ng isang kamay niya ang palad ni Cristina na nagtungo sila sa eleganteng hapagkainan nila. Hindi nakita