inaakala niyang si Christine. Nagpahatak lang si Cristina at umupo sa tabi niya. Hinatak pa ito ni Geron palapit sa kanya para magkadikit ang mga katawan nila habang nakaupo sa itaas ng burol tanaw pa rin ang kalawakan ng mga lupain niya. Hinayaan lang siya ni Cristina at nang akbayan ni Geron ito ay sinulyapan nito ang kaliwang palad ni Geron na nakapatong sa balikat nito. Tiningnan naman ni Geron si Cristina kung hahawiin nito ang kaliwang braso niya sa balikat nito at nang ituon nito ang pansin sa magandang tanawin sa ibaba nila ay napangiti siya kaya mas pinagbuti pa niya ang pagkakaakbay dito at nakangiting tumunghay rin sa lupain niyang pinagmamasdan nito.