ang galit na nararamdaman niya para sa asawa niya. Ipinikit niya ang mga mata at ipinaalala sa sariling paiibigin niya lang ang inaakala niyang si Christine at sasaktan lang pagkatapos. Idinilat niya ang mga mata niya at muling pinagmasdan si Cristina. Hindi niya maitanggi sa sarili niya na gustong-gusto niya si Cristina higit pa sa inaakala niyang naramdaman niya noon para sa nakasamang asawa. Nagpasya siyang sa mga sandaling iyon, ay iyon lang muna ang mahalaga at iyon lang muna ang pagtutuunan niya ng pansin. Patuloy pa rin si Geron sa pagkakahawak niya sa mga palad ni Cristina, ramdam na ramdam niya ang malaking pagkakagusto nito sa kanya. Tumunghay sa paligid ng kinatatayuan nilang dalawa si Geron at nang makahanap siya ng maayos na mauupuan ay umupo siya at hinatak paupo sa tabi niya si Cristina na