rito. "Alam mo bang napakaganda mo... oo Christine napakaganda mo..." sambit niya rito.
         Ngumiti lang si Cristina. "Salamat Geron," sagot lang nito sa kanya.
         Nangiting napailing lang si Geron sa sinagot nito sa kanya. "Salamat lang, ganoon lang, hindi ka ba natutuwang nagagandahan ako ng husto sa iyo, ha Christine?" tanong niya rito na nakatitig pa rin sa mapupungay nitong mga mata.
         Nag-isip kaagad ito ng maisasagot sa kanya. "Natutuwa ako, pero batid ko namang nasasabi mo lang iyan dahil sa kakambal ko na... na... minamahal mo pa rin hanggang ngayon," sabi nito na bahagyang humina ang boses sa huling mga salita nito.
         Sa tinurang iyon ni Cristina ay muling naalala ni Geron