"Ha, oo naman. Pag ako ang kasama mo, siguradong ligtas ka," sagot lang niya na muling hinawakan ang dalawang mga palad nito at muling tumitig sa mapupulang mga labi ni Cristina na inakala niyang si Christine. Nararamdaman ni Cristina ang init ng mga palad niya sa mga palad nito at ganoon din si Geron dito. Patuloy sa pagtitig si Geron sa nakakaakit na mga mata ni Cristina at ito ay ganoon din sa kanya. Nagtagal sila sa ganoong ayos sa pinakamataas na bahagi ng burol habang patuloy sa pag-ihip ang sariwa at malamig na simoy ng hangin sa kinaroroonan nila. 
          "Christine," usal ni Geron hawak-hawak pa rin ang dalawang mga palad ni Cristina sa itaas ng burol. Pinangiti ni Cristina ang mga mata nito at hinintay ang sasabihin ni Geron