na mahal talaga ng kakambal nito si Geron. Batid ni Cristina na mas gustong manirahan ni Christine sa isang malaking syudad kaysa sa isang probinsiya.
       Napansin ni Geron ang pananahimik ni Cristina na inaakala niyang si Christine sa tabi niya. "Ayaw na ayaw rin noong samahan akong mangabayo. Nagtataka nga ako dahil natatandaan kong nabanggit ni Cristinang mahilig din siya sa kabayo. Ikaw Christine papayag ka bang sumakay sa kabayo kasama ako ha?" tanong niya rito na naghihintay ng sagot nito.
       Kinabahan si Cristina sa tinanong nito. "Ha, oo basta ba huwag mo akong ilalaglag ha," sagot at alanganing biro nito sa kanya.