"Salamat Christine..." marahang sambit niya sa tabi ng napakagandang si Cristina.
        Napatingala si Cristina sa kanya. "Salamat... saan?" tanong nito sa kanya.
        Ngumiti siya rito. "Salamat na sumama ka sa akin rito sa ibabaw ng burol," nakangiting sabi niya rito. "Alam mo bang sa buong pagsasama namin ni Cristina ay hindi ko man lang siya nagawang mapasama rito."
        "Ganoon ba," sambit nito. Naunawaan kaagad ni Cristina ang ibig sabihin ni Geron, dahil batid nitong ayaw na ayaw ng kakambal niyang si Christine na umakyat sa bundok o sa burol man lang. Kaya ng mabalitaan ni Cristina na pumayag ang kakambal nito na tumira sa isang hacienda na napapalibutan ng mga bundok ay napagtanto nitong mahal