Geron ang sarili tumayo na ito mula sa kinauupuan at kinarga ang napakagandang dalagang nagpapabaliw rito. Hahakbang na sana si Geron para dalhin na sa sariling kwarto nito ang dalagang alam nitong makapagbibigay rito ng ibayong kaligayahan ng biglang may marinig sila mula sa ibaba.
"Sir Geron, sir Geron!" sigaw ng kapatas nito sa malawak na niyugan.
Napatitig si Geron sa mga mata ni Cristina. Napatitig rin si Cristina mula sa pagkakarga sa kanya ni Geron sa mga bisig nito. Ngumisi si Cristina kay Geron. Nangiti na lang din si Geron at liningon ang pinanggalingan ng malakas na tawag rito. Muli nilang narinig ang malakas na tawag kay Geron ng kapatas nito. "Sir Geron, Sir Geron!" Kaya sa pahiwatig ng