mga mata ni Cristina ay napilitan na itong ibaba siya mula sa mga bisig nito. Nakatayo si Cristina at nakaharap rito. Pinagmasdan at sinamba muna sandali ni Geron ang kagandan ng dalagang nasa harap nito pagkatapos ay muli siya nitong niyakap ng mahigpit at ginawaran ng halik sa mabangong buhok niya. Pagkatapos ay kumalas na ito at humakbang papunta sa may hagdanan at pababa patungong sala. Sumunod si Cristina at pinagmasdan si Geron habang kinakausap nito ang labis na nag-aalang kapatas. Nagpasya si Cristinang bumaba at lumapit sa dalawa sa may sala. Manganganak ang asawa ng kapatas ni Geron na si Mario. Sumuko na ng hilot na kinuha nila. Nakiusap itong magpahatid sa pinakamalapit na hospital sa amo nito.