Chapter 7
PAGKALABAS ni Geron kasunod si Cristina ay nakita niyang karga-karga ng anak na lalake ng kapatas niyang si Mario ang ina na nahihirapan sa ipinagbubuntis nito. Mabilis na nagtungo si Geron sa nakaparada niyang sasakyan at binuksan ito. Kinuha naman kaagad ni Mario ang asawa mula sa lalaking anak nito. Kinarga nito ang asawa papasok sa pintuan ng backseat. Mula sa loob ng sasakyan ay inalalayan ni Geron ang mag-asawa para tuluyan ng makapasok sa loob ng sasakyan. Nang makapasok na ang dalawa ay sumakay naman si Cristina sa harapan at umupo sa kanang bahagi ng front seat ng sasakyan. Hirap na hirap pa rin ang babae sa