dinadala nito. Daing ito ng daing sa sakit na nararamdaman nito. Kaya mabilis na pinaharurot ni Geron ang sasakyan niya. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa pinakamalapit na hospital ay sinubukang hapyurin ang palad ng dumaraing na asawa ni Mario. Nagbakasali si Cristina na habang hinihimas nito ang palad ng babae mula sa kinauupuan nito sa front seat ay kumalma ito at mabawasan ang hapding nadarama. Kitang-kita sa mukha ni Mario ang malabis na pag-aalala nito para sa kalagayan ng asawa at sa magiging anak nito. Kaya binilisan pa lalo ni Geron ang pagmamaneho niya para marating nila kaagad ang hospital. Makalipas ang ilang sandali sa wakas ay narating na nila ang hospital. Kaagad silang sinalubong ng mga staff ng hospital at tinulungang maipasok sa loob ang dumaraing pa ring asawa