ni Mario. Nang maipasok na ito sa loob ng isang kwarto ng hospital kung saan inaasikaso ito ng mga duktor ay sinubukang pakalmahin ni Geron ang kanyang pinagkakatiwalaang kapatas. Bakas na bakas pa rin sa mukha ni Mario ang pag-aalala sa mukha nito. Tinapik nito ang likuran ng kapatas at sinabing huwag siyang mag-alala dahil ang pinakamagagaling na duktor ng hospital ang kinuha niyang mag-asikaso sa asawa nito sa loob. Sinabi rin niya na huwag na itong mag-alala dahil siya na ang bahala sa lahat ng magagastos sa panganganak ng asawa nito at maging sa ilang araw na ilalagi pa nito sa hospital na iyon. Tahimik namang nagdasal si Cristina para sa kaligtasan ng asawa ng kapatas at pati na rin sa magiging anak nito. Nang medyo kumakalma na si Mario ay naupo ito sa isang upuan malapit sa may