pintuan. Kaya umupo na rin si Geron sa tabi ni Cristina. Inakbayan niya ito at sinulyapan sa gilid niya. Nginitian niya ito at idiniin ng bahagya ang pagkakaakbay niya rito. Nakatingalang ngumiti naman si Cristina kay Geron. At makalipas ang ilang minuto pang paghihintay ng tatlo sa wakas ay lumabas na ang isa sa mga duktor na nag-aasikaso sa asawa ni Mario. Tumayo kaagad si Mario para marinig ang sasabihin ng duktor na iyon. Maging si Geron at Cristina ay tumayo rin mula sa kanilang kinauupuan sa loob ng hospital upang malaman ang kalagayan ng asawa ni Mario at ng bata. Nagliwanag kaagad ang mukha ni Mario ng masayang ibinalita ng lalaking duktor na isinilang na malusog ang batang babae at nasa ligtas na kundisyon na rin ang asawa ni Mario. Nagpasalamat kaagad si Mario sa duktor na iyon.